Mga Simbolismo Sa Noli Me Tangere Kabanata 19
Mga simbolismo sa noli me tangere kabanata 19
Ano ang matutunan natin na simbolismo sa Kabanata 19 ng Noli Me Tangere?
Sa kabanatang ito, natutunan natin na kahit ang isang bayan o bansa ay lugmok na sa paghihirap at pagdurusa, mayroon pa ring mabubuting mga tao na nagsusumikap na gumawa ng mga pagbabago sa ikabubuti ng nakararami.
Ito ay isang kabanata na angkop na angkop para sa panahon natin ngayon kung saan ang edukasyon ay hindi na gaanong nabibigyan ng pansin ng mga lider ng lipunan. Hindi nabibigyan ng sapat na sahod at pasilidad ang mga guro upang magampanan ang kanilang mga obligasyon nang walang hadlang. Ang mga bata sa bansa ay nahihirapan sa pagkamit ng de kalidad na edukasyon at marami-rami rin naman ang hindi nakapagtatapos.
Sa panahon sa ngayon, mas nabibigyan importansya ang mga bagay na hindi gaanong mahalaga kung kayat ang mga kabataan sa Pilipinas ay napagiiwanan nang mga kabataan sa mga kalapit na Asyanong mga bansa. Ang mga guro ay ginagawang katatawanan at ipinapahiya pa nga sa social media dahil lamang sa paghihigpit o paggawa ng kanilang trabaho. May mga lider na sinisiil ang mga institusyon ng edukasyon dahil lamang sa mag-aaral na may malawak at bukas na pag-iisip.
Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito.
Alam mo ba na pwede mong gamitin ang hashtag na #CARRYOLEARNING sa iyong mga sagot? Tuwing gagamitin mo ang hashtag na ito, nagdodonate ang Brainly ng piso upang makatulong sa ating mga doctor at nars dito sa Pilipinas sa paggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.
Comments
Post a Comment