Dalawang Uri Ng Datos
Dalawang uri ng datos
Ang dato o datos, anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay. Ito ang pangungusap na tinanggap ang kanyang kayarian (isang "bigay"). Kabilang ang mga pagsusukat o pagmamasid ng isang pabagu-bago (variable) sa mga malalaking uri ng mga mahalagang pangungusap. Maaaring binubuo ng mga bilang, salita, o larawan ang mga ganoong pangungusap. Ang pariralang Ingles na verifiable data (mga datong napapatunayan) ay tumutukoy sa mga dato na maaaring gayahin (replikasyon) ng iba pang mga tagapag-eksperimento.1
Ang datos, impormasyon at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay, subalit bawat isa ay may sariling gamit kaugnay ng isa. Ang datos ay kinokolekta at sinusuri upang makagawa ng impormasyong naaayon para makagawa ng desisyon, habang ang kaalaman naman'y mula sa maramihang karanasang may kinalaman sa impormasyong may paksa. Halimbawa, ang taas ng Mt. Everest ay karaniwang itinuturing na datos. Ang datos na ito ay maaaring isama sa isang aklat kasama ng ibang datos ng Mt. Everest upang mailarawan ang bundok sa paraang mapakikinabangan para sa mga taong nagnanais gumawa ng desisyon sa pinakamabuting paraan para akyatin ito. Ang paggamit ng pag-unawang nakabase sa karanasan sa pag-akyat ng mga bundok upang magpayo sa mga taong papunta para maabot ang tuktok ng Mt. Everest ay maituturing na "kaalaman"
Ang "impormasyon" ay nagkaroroon ng pagkakaiba ng mga kahulugan na sumasakop mula pangaraw-araw hanggang teknikal. Sa makatuwid, ang konsepto ng impormasyon ay may kaugnayan sa mga palagay ng limitasyon, komunikasyon, kontrol, datos, anyo, direksyon, kaalaman, kahulugan, mental na pampabuhay, padron, persepsyon at representasyon.
Comments
Post a Comment