Anong Katotohanan Sa Buhay Ang Gusto Mong Malaman Upang Magkaroon Ka Ng Kalayaan?Ipaliwanag

Anong katotohanan sa buhay ang gusto mong malaman upang magkaroon ka ng kalayaan?Ipaliwanag

Ang KATOTOHANANG gusto kong malaman para magkaroon ng KALAYAAN ay makilala pa ng higit ang Diyos kaysa basta pagkilala lang sa kaniyang pangalan. Bakit? Dahil masasalamin o makokopiya ko mga katangian niya kung paano siya nagdedesisyon ng tama, nakikisama sa tao, nagpapakita ng pag-ibig, nagiging magandang halimbawa sa iba. Pero ano nga ba ang kalayaan?

KALAYAAN - Ito ay ang kusang loob na pigpili at pagdedesisyon sa isang bagay o sitwasyon. Ito ay ang kakayahang mag-isip kung ano ang tama at mali. Ang malayang kalooban na ito o kalayaan ay regalo mula sa Diyos.

Paano ba natin higit na magagamit ang kalayaan sa tamang paraan? Oo, may tama at maling paggamit dito. At dito nakasalalay kung ano talaga ang kalayaan.  

Tingnan natin ang ilang sitwasyon:

* Halimbawang nagmamaneho ka, at napansin mo na may isang matanda na dumadaan sa kalsadang dinadaanan mo. Ano ang gagawin mo? Malaya kang magpasiya ng tama at mali. Hihinto ka ba saglit para hintaying makatawid ang isang matanda o paaandarin mo ito ng mabilis. Kapag ginawa mo iyon,  masasagasaan mo siya.

* Paano naman kung napansin mo na walang mga sign bord o mga traffic sign ang lugar na dinadaanan mo. Lahat ng driver na dumadaan sa lugar na iyon ay malayang magmaneho at dumaan kung saan nila gusto. Kung kakaliwa o kakanan. Walang pakialam kung anong mga sasakyan ang dadaan doon at kung anong dereksyon. Ano ang naiisip mong pwedeng mangyari kung lahat kayo ay malayang magpasiya kung saan nyo gusto?

Konklusyon: Ang paggamit ng malayang kalooban o kalayaan ay nakadepende sa mga batas ng Diyos at hangganan niya sa pagtatakda ng tama at mali gaya ng mga sign bord at traffic sign. Hindi pwedeng basta sabihin na lang natin na "buhay ko to at wala na kayong pakialam." Ang totoo, malaya tayo na gamitin ang ating buhay at tayo talaga ang magdedesisyon. Pero gusto ng Diyos na gamitin natin ito sa tamang paraan. Kaya ang higit na pagkilala sa kaniya ang tunay na kahulugan ng paggamit natin sa ating kalayaan.

Para sa higit na kaalaman:

brainly.ph/question/396313

brainly.ph/question/1313073

brainly.ph/question/2105789


Comments

Popular posts from this blog

What Have You Done To Rehabilitate The Land After Mining?

Summary Of The Story Of "Les Miserables"

Things To Consider Before Establishing Business