Ano Ang Mga Suliranin Sa El Filibusterismo Na Makikita Natin Ngayong Panahon?

Ano ang mga suliranin sa El Filibusterismo na makikita natin ngayong panahon?

El Filibusterismo

Suliranin na Makikita sa Kasalukuyan:

1. Ang hindi pantay na pagtingin sa mga tao o patuloy na pag iral ng caste system. Ito ay makikita sa kung paano isakay ang mga pasahero sa bapor Tabo. Ang mga mayaman sa itaas ng kubyerta at ang mahihirap sa ilalim ng kubyerta.

2. Ang pagsikil sa karapatan ng mga magsasaka sa mga lupang kanilang sinasaka na tulad ng ginawa kay kabesang Tales. Sa patuloy na pagtaas ng buwis, hindi na kinaya pa ng matanda na bayaran kaya nawala sa kanya ang lupang pagmamay ari.

3. Ang kawalan ng karapatan ng mga mag aaral na sumali o makiisa sa mga kilos protesta o himagsikan. Ang mga paskil na natagpuan sa unibersidad na ginamit na ebidensya laban sa mga mag aaral upang sila ay makulong.

4. Ang kawalan ng maayos na sistema ng edukasyon at pagtuturo. Sapagkat ang pagtuturo ay makaluma at ang karunungan ay nananatiling nakakahon na tulad ng mga gamit sa pagtuturo ng pisika na nasa loob ng aparador na de susi.

5. Ang patuloy na pakikialam ng simbahan sa mga usaping politikal at panlipunan na tulad na lamang ng pakikipagkasundo ni Maria Clara kay Ibarra upang maging kabiyak nito na pilit naman na tinututulan ni Padre Damaso.

Read more on

brainly.ph/question/542047

brainly.ph/question/298724

brainly.ph/question/1254743


Comments

Popular posts from this blog

Summary Of The Story Of "Les Miserables"

What Have You Done To Rehabilitate The Land After Mining?

Things To Consider Before Establishing Business