Ano Ang Kahulugan Ng Turn Over Rate Sa Tagalog
Ano ang kahulugan ng turn over rate sa tagalog
Turn over rate ay tumutukoy sa bilis ng pagpapalit ng mga empleyado sa isang yugto ng panahon at sa bilang ng empleyado. Ito ay panukat kung tungkol sa internal progress ng isang negosyo o organisasyon gaya ng sa management skills at company benefits para sa mga empleyado upang mabuo ang satisfaction rate. Ito mismo ang nagiging factors kung ang isang empleyado ay magre-resign o magpapatuloy dahil sila ay masaya sa trabaho.
Ginagamit din ito kung naaapektuhan ng mga outside factors gaya ng pagbagsak ng ekonomiya o ng mismong industriya na kinapalolooban ng naturang negosyo.
Ang isang matatag na kompanya ay makikita din kung mababa ang turn over rate. Kung napananatili ang makatuwirang haba ng panahon para sa baguhang emepleyado, o di kaya ay para sa isang mahirap na trabaho.
Ang HR at Managers level na mga empleyado ang siyang nagmo-monitor nito sa isang organisasyon. Dito nakikita ang kanilang performance upang mapaunlad ang mga tao bilang asset. Sila ang inaasahang gagawa ng annual plan para sa bawat tao kada skills o position. MAkikita sa kanilang proseo ang tamang hiring process, orientation and continues development ng bawat tao sa kompanya. Hawak din nila ang motivational power gaya ng promotion o salary increase kasama na ang performance evaluation.
Comments
Post a Comment